literature

quiet poetic.

Deviation Actions

bleakmisanthropist's avatar
Published:
107 Views

Literature Text

ako daw si quiet poetic.
hanggang pagiging quiet poetic na lang ba ako?
walang sawang paghahabi ng mga salitang
ni hindi ko alam kung saan patungo
o kung minsan man e kumilos ang mga salitang ito.
ang alam ko kasi mag-isa lang ako sa sulok ng isipan ko.
pero bakit nakita kita dito?
anong ginagawa mo dito?
hindi naman kita maitaboy.
dahil matagal na rin namang wala akong kasama.
gusto mo ba dito?
o baka kaya ka lang nandito
ay dahil payapa ang isip ko.
payapa.
masarap manatili sa isang isip na mapayapa.
pero hindi mo ba alam
na ang minsang pagdating mo
ang nag-alis ng ayos sa isip ko?
dahil habang nakatitig ako sa'yo,
may iba ka palang iniisip.
isip ko 'to.
sana ika'y lumayo.
gusto kong mapag-isa.
pero ayaw mo yata akong iwan.
naisip ko lang..
kung ibang tao ba ang pumasok sa
isipan ko,
itataboy ko rin ba ito tulad ng
pagpapaalis ko sa'yo?
hindi siguro.
kasi ikaw ang iisang taong gusto ko
pero ni di kita mahawakan
siguro dahil para kang hangin.
pinapayapa mo ang mga problema ko
pero tulad ng isang bagyo, nawiwindang
ang damdamin ko.
tulad ka ng hangin..
pero pag nawala ka..
mawawala na rin ba ako?

o ang damdamin lang na naramdaman
ko ng dahil sa'yo?
this was reminiscent of what i had in mind a few months ago..
© 2006 - 2024 bleakmisanthropist
Comments7
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
bleakmisanthropist's avatar
miss ko na si arman ah! si arman ang tumatawag kase saken ng quiet poetic.. aba, kinakantahan pa ako.. ARMAN! sana magdevart ka naman.. *talks to herself*